Sneaky Pete

Sneaky Pete

A con man (Giovanni Ribisi) on the run from a vicious gangster (Bryan Cranston) takes cover from his past by assuming the identity of his prison cellmate, Pete, "reuniting" with Pete's estranged family, a colorful, dysfunctional group that threatens to drag him into a world just as dangerous as the one he's trying to escape - and, just maybe, give him a taste of the loving family he's never had.
IMDb 8.0201510 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-MA
Libre ang unang episode

Limitadong oras na alok. Nalalapat ang mga tuntunin.

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Pilot

    Agosto 6, 2015
    55min
    TV-MA
    Isang manlolokong (Giovanni Ribisi) nagtatago sa gangster (Bryan Cranston) ang tatakas sa pamamagitan ng pag-angkin sa katauhan ng kanyang kasama sa kulungang si Pete. "Babalik" siya sa masigla ngunit magulo nitong pamilya, na magdadala sa kanya sa mundong kasingpanganib ng kanyang tinatakasan, at maaaring magpatikim sa kanya ng pagmamahal ng pamilyang hindi niya naranasan.
    Libre ang unang episode
  2. S1 E2 - Ligtas

    Enero 12, 2017
    57min
    TV-MA
    Habang nagkakaproblema sa negosyo, tataas ang tensyon sa pagitan ng lolo at lola ni Pete na sina Otto at Audrey. Tutulungan ni Pete si Julia na kontrolin ang mapanganib na kliyente. Sa pagdating ng problema, hihingi ng tulong ang "magpinsan" kay Audrey. Habang tumatakas sa misteryosong tao, bibisitahin ni Marius sina Katie at Karolina sa NYC at maaalala kung paano niya nakabangga si Vince.
    Panoorin nang libre
  3. S1 E3 - Ginoong Tagumpay

    Enero 12, 2017
    50min
    TV-MA
    Igigiit ng parole officer ni Marius na lumuwas siya sa siyudad para sa isang pagkikita. Para makarating sa oras, dapat niyang takasan ang mga mausisang pinsang sina Julia, Taylor at Carly, ang nagdududang si Audrey, at isang matinding ambush. Samantala, magiging desperado ang nabihag na si Eddie, hahanapin ng tenyente ni Vince na si Winslow si Marius, at pagtatakpan ni Katie si Marius.
    Panoorin nang libre
  4. S1 E4 - Ang Galit

    Enero 12, 2017
    51min
    TV-MA
    Dahil maeengganyo sa pangako ng malaking pera sa loob ng safe sa opisina ng pagpipiyansa, paiikutin ni Marius ang pamilya ni Pete. Malalaman niyang mas mahirap sa inaakala niya na manipulahin si Taylor na mainitin ang ulo at may mapanganib ding lihim. Sa lungsod, mahihirapan si Vince sa isang kliyente sa poker at ibabaling ang kabiguan sa mga tauhan.
    Panoorin nang libre
  5. S1 E5 - Si Sam

    Enero 12, 2017
    51min
    TV-MA
    Mag-aaway sina Audrey at Otto dahil sa solong pagpapasya ni Audrey, ang pagbagsak na maaaring ugat ng pagkasira ng negosyo. Habang tinutulungan si Otto na imbestigahan ang hinala, may malalaman si Marius sa paggasta ni Audrey. Uusisain ni Carly ang misteryosong pinsan sa nakaraan nito, bubuhaying muli ni Julia ang relasyon sa dating asawa na si Lance, at may bagong trabaho si Eddie para kay Lance.
    Panoorin nang libre
  6. S1 E6 - Laging Gutom ang Coyote

    Enero 12, 2017
    51min
    TV-MA
    Sa pag-akyat sa korte ng kaso ng mapanganib na kliyente, mahihirapan ang Bernhardt Bail Bonds na bawiin ang perang ginamit bilang kolateral. Sa takot na paghigantihan oras na hindi maibalik ang pera, bibisitahin ni Otto ang dating kaibigan, at kukuha ng mas batang katulong si Marius. Dahil sa isang tao, malaman ni Carly ang lihim ni Pete. Magdedesisyon si Julia kung pagkakatiwalaang muli si Lance.
    Panoorin nang libre
  7. S1 E7 - Tenyente Bernhardt

    Enero 12, 2017
    54min
    TV-MA
    Habang sinasalba ang negosyo, magpaplano sina Audrey at Marius, pero ipipilit ni Otto na gawin ang plano niya. Matapos harapin ang nalaman ni Carly, bibisitahin ni Marius ang dating guro at ang kapwa-bilanggo upang pagtakpan ang pagkatao bilang si Pete. May makukuhang ebidensiya si Taylor sa insidenteng sumuspende sa kanya sa trabaho, at susundan ni Winslow ang bakas ni Marius sa pamilya ni Katie.
    Panoorin nang libre
  8. S1 E8 - Ang Pagbuwelta

    Pebrero 18, 2018
    55min
    TV-MA
    Matapos malamang ipinagsapalaran ni Audrey ang BBB sa pekeng pamumuhunan, makukumbinsi ni Marius si Audrey, ang nagdadalawang-isip na si Julia at mga dating katrabaho upang bawiin ang pera sa manloloko. Lingid sa kaalaman nila, mag-isang gagawa ng mapanganib na plano si Otto para isalba ang negosyo. Samantala, may detective mula NYC na itinali at binusalan sina Katie at Brendon sa kanilang silong.
    Panoorin nang libre
  9. S1 E9 - Ang Pagliko

    Enero 12, 2017
    46min
    TV-MA
    Dahil nauwi sa kamatayan ng isang lalaki ang plano ni Otto sa opisina ng pagpipiyansa, walang kalaban-laban sina Otto, Marius at Lance sa mapanganib na kliyente ng BBB, na nais makuha ang perang ginamit na kolateral. Ililigtas si Marius ng dalawang taong di niya inaasahan. May maiisip na bagong plano si Vince para mahuli ang mandaraya, at may bagong obligasyong iaatas kay Taylor.
    Panoorin nang libre
  10. S1 E10 - Ang Pinakamahabang Araw

    Enero 12, 2017
    53min
    TV-MA
    Habang nakaayos na ang lahat, maglalaro ng poker si Marius para gawin ang kanyang mga huling tira. Aayon ang lahat sa plano hanggang makahalata si Vince na nakita na niya ang larong iyon noon. Sa pagkakasangkot ni Audrey sa isang madugong krimen, kailangan niyang labagin ang isip at magtiwala sa pamilya para ayusin ang sitwasyon. Makipagsasapalaran si Julia para iligtas si Lance.
    Panoorin nang libre