Tulong

Gumawa at Mamahala ng Mga Profile sa Prime Video sa pamamagitan ng Website

Puwede kang gumawa at mamahala ng Mga Profile sa Prime Video sa pamamagitan ng website.

Puwede kang magkaroon ng hanggang anim na profile ng user (ang default na profile, at hanggang limang dagdag na profile na puwedeng mga profile para sa nasa hustong gulang o Pambatang profile) sa Prime Video sa isang Amazon account.

Para gumawa at mamahala (mag-edit/mag-delete) ng profile sa Prime Video sa website:

  • Sa home page ng Prime Video, itapat ang iyong cursor sa pangalan ng kasalukuyang aktibong profile.
  • Sa drop-down na menu, piliin ang +Magdagdag ng bago para gumawa ng bagong profile. Hihilingin sa iyong bigyan ito ng pangalan bago ito i-save.
  • Piliin ang Pamahalaan ang mga profile pagkatapos ay piliin ang I-edit ang profile sa susunod na screen. Piliin ang profile na gusto mong i-edit. Puwede ka ring mag-alis ng mga profile, mag-set up ng PIN sa Account o Profile, at i-set up ang lock ng profile mula sa screen na ito.

Para sa higit pang tulong, pumunta sa: