Prime Video
  1. Iyong account

Tulong

Mga Alituntunin ng Komunidad ng Mga Watch Party

Nakatuon ang Prime Video sa pagbibigay ng napakagandang karanasan sa sabay-sabay na panonood ng video kung saan ang lahat ng kalahok sa Mga Watch Party ay maaaring makipag-ugnayan nang ligtas sa isa't isa. Para makamit ang layuning ito, hinihiling namin sa lahat ng user na makilahok sa paraang nagsusulong ng magiliw at positibong karanasan para sa aming komunidad ng Mga Watch Party.

Dagdag pa sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit ng Amazon, nalalapat ang sumusunod na Mga Alituntunin ng Komunidad (ang "Mga Alituntunin") ng Mga Watch Party. Maaaring i-update namin ang Mga Alituntunin na ito pana-panahon at maaaring magpatupad kami ng mga karagdagang alituntunin o mga partikular na pagbubukod para sa mga partikular na uri ng content.

Maaaring i-disable o baguhin namin ang mga feature ng Mga Watch Party anumang oras nang walang abiso, nang ayon lamang sa aming pagpapasya. Para protektahan ang integridad ng aming komunidad, ang host ng isang Watch Party o ang mga itinakdang moderator ng host ay mayroong buong kapangyarihan para magpasya kung sino ang maaaring makilahok sa kanilang Watch Party, at maaari nilang pansamantala o permanenteng tanggalin ang isang kalahok para sa anumang dahilan, kabilang ang mga paglabag sa Mga Alituntunin na ito. Inirereserba namin ang karapatan para tanggalin ang iniulat na content, na pigilan ang iyong kakayahang gamitin ang mga feature ng Mga Watch Party, at suspendihin o wakasan ang iyong account para sa anumang kilos na natukoy namin bilang hindi naaangkop o nakakasakit. Ang anumang pagsubok para iwasan o dayain ang anumang pagsuspinde sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang account ay maaaring magresulta sa higit pang pagsuspinde o pagwawakas.

Ikaw, ang may-ari ng account sa Amazon, ay responsable para sa anumang hindi wastong paggamit o paglabag sa Mga Alituntunin na ito ng sinumang kumikilos sa ilalim ng username at password ng iyong account. Dapat mong tratuhin ang iyong username at password, at anumang iba pang impormasyong kailangan para i-access ang Mga Watch Party bilang kumpidensyal.

Personal na Paggamit

Ang karanasan sa Mga Watch Party ay nilalayon para sa personal na paggamit; ang anumang paggamit ng Mga Watch Party para sa pangnegosyong layunin ay ipinagbabawal.

Magkakasamang Karanasan

Kinokontrol ng host ng Mga Watch party ang panonood sa oras ng isang Watch Party. Maaari kang umalis sa karanasan sa Mga Watch Party anumang oras at bumalik sa punto kung saan ka tumigil sa labas ng karanasang ito.

Pagsali sa Mga Watch Party

Huwag muling ibahagi sa iba ang imbitasyon sa Watch Party maliban na lamang kung pinahintulutan ka ng host ng Watch Party. Ang lahat ng nakatanggap ng imbitasyon, kabilang ang mga nakatanggap ng imbitasyon mula sa mga indibidwal na hindi ang host ng Watch Party, ay makakasali at makakalahok sa Watch Party.

Maaaring magbigay kami sa iyo ng mga feature na hinahayaan kang gamitin ang social media para imbitahan ang iba para makibahagi sa iyong karanasan sa Watch Party. Dapat ay gamitin ang mga feature na ito nang ayon sa Mga Alituntunin na ito.

Pagpili ng Username

Kapag sumali ka ng Watch Party, ang pangalang isusumite mo ay makikita ng lahat ng kalahok sa Watch Party. Kapag pumipili ng username, mangyaring malaman ang lahat ng panganib na kaugnay ng paggamit iyong totoong pangalan o anumang personal na impormasyon dahil maaaring makilala kung sino ka dahil dito. Ang mga pangalan ay dapat magalang at naaayon sa edad, nang ayon sa Mga Alituntunin na ito.

Content sa Chat ng Mga Watch Party

Ang chat ng Mga Watch Party ay nilalayon para magbigay ng lugar para sa talakayan. Maaaring hindi ka sumasang-ayon sa lahat ng mga mensahe sa isang Watch Party, pero pakitandaan na ang isang bagay kung saan hindi ka sang-ayon ay maaaring hindi paglabag sa Mga Alituntunin na ito. Ang iyong pakikilahok sa Mga Watch Party ay dapat palaging may paggalang sa iba para manatili ang Mga Watch Party na hindi pangnegosyong lugar kung saan tinatanggap ang lahat. Partikular dito ang:

  • Mapoot na Kilos: Ang mapoot na kilos ay anumang content o aktibidad na nagsusulong, naghihikayat, o nagbibigay-daan sa diskriminasyon, panlalait, pag-objectify, panliligalig, o karahasan batay sa lahi, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, kasarian, gender, pagkakakilanlan ng gender, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan, malubhang medikal na kondisyon o katayuan bilang beterano, at pinagbabawalan ito.
  • Panliligalig: Ang panliligalig ay anumang content o aktibidad na sinusubukang takutin, ipahiya, abusuhin, o i-bully ang iba, o gumagawa ng mapoot na kapaligiran para sa iba, at pinagbabawalan ito.
  • Mga Advertisement, Promosyon, at Marketing: Ipinagbabawal ang mga advertisement, promosyon, at marketing ng anumang content, produkto, o serbisyo.
  • Mapanganib at Hindi Legal na Content: Ipinagbabawal ang content sa chat na nagsusulong, nag-eendorso, o nag-uudyok sa manonood na magsagawa ng hindi legal, mapanganib, o nakakasakit na gawain.
  • Chat na Naaayon sa Edad: Ang chat ay dapat naaayon sa saklaw ng edad ng title na pinapanood niyo bilang grupo. Kung ang title ay nilalayon para sa lahat ng audience, dapat ay sinasalamin din ng chat ang rating nito bilang para sa pamilya.
  • Chat na Tahasang Seskwal: Ang content sa chat na pinupuri o nagpapakita ng sekswal o hindi disenteng kilos o nag-uudyok o nilalayong magdulot ng sekswal o hindi disenteng tugon ay maaaring ituring bilang hindi kanais-nais ng ibang kalahok at ipinagbabawal ito.

Hindi namin ginagarantiya ang anumang pagiging kumpidensyal pagdating sa anumang content na iyong ibinabahagi. Ikaw lamang ang may responsibilidad para sa sarili mong content at sa mga kalalabasan ng pakikilahok sa chat. Hindi namin ini-endorso o ipinagpapatibay ang anumang content, pananaw, rekomendasyon, o payong ibinahagi sa Mga Watch Party at hayag naming itinatanggi ang anuman at lahat ng pananagutang kaugnay ng naturang content.

Ang kasaysayan ng chat ng Mga Watch Party ay makikita ng lahat ng ibang kalahok sa chat sa oras ng Watch Party. Hindi maaaring i-save o i-access ng host o mga kalahok ang kasaysayan ng chat ng Mga Watch party pagkatapos ng Watch Party.

Paglabag sa Batas

Dapat mong igalang ang lahat ng nalalapat na lokal, pambansa, at pandaigdigang batas habang ginagamit ang Mga Watch Party.

Hindi Awtorisadong Paghingi o Pagbabahagi ng Pribadong Impormasyon

Huwag manghimasok sa pagkapribado ng iba. Ipinagbabawal ang pagbabahagi ng content na maaaring magbunyag ng impormasyon tungkol sa mga indibidwal, o kanilang pribadong pagmamay-ari, nang walang pahintulot. Kabilang, ngunit hindi limitado dito ang:

  • Pagbabahagi ng personal na nakapagpapakilalang impormasyon (tulad ng tunay na pangalan, lokasyon, o ID)
  • Pagbabahagi ng mga pinaghihigpitan o protektadong social profile o anumang impormasyon mula sa mga profile na iyon
  • Pagbabahagi ng content ng chat ng Mga Watch Party sa anumang ikatlong partido, kabilang ngunit hindi limitado sa mga screenshot o impormasyon tungkol sa iba pang kalahok ng Mga Watch Party
  • Pagkuha ng personal na nakapagpapakilalang impormasyon (tulad ng tunay na pangalan, lokasyon, o ID) mula sa ibang kalahok ng Mga Watch Party
  • Pagkuha ng personal na impormasyon para sa mga pangnegosyong layunin

Pagpapanggap

Ipinagbabawal ang content o aktibidad na nilalayon para magpanggap bilang indibidwal o organisasyon, lalo na kung nilalayon mong magpanggap bilang Amazon o Prime Video.

Spam, Mga Scam, at Ibang Gawing May Masamang Hangarin

Ipinagbabawal ang anumang content o aktibidad na nag-aantala, gumagambala, nakakasakit, o kung hindi man ay lumalabag sa integridad ng Mga Watch Party o karanasan o device ng ibang user. Kabilang sa mga naturang aktibidad ang:

  • Pag-post ng maraming paulit-ulit at hindi ninananais na mensahe
  • Phishing
  • Panloloko sa iba
  • Pagpapakalat ng malware, virus, o hindi naaangkop o malisyosong content
  • Maling impormasyon (tulad ng pagpapanggap na may pananakit o problema, pag-post ng hindi tumpak na metadata, o sinasadyang maling representasyon ng content)
  • Pagbebenta o pagbabahagi ng mga accoung ng user
  • Paggamit ng anumang awtomatikong device o paraan para mag-access ng Mga Watch Party para sa anumang layunin, kabilang ang pagsubaybay o pagkopya ng anuman sa mga materyal na nasa Mga Watch Party, pagmimina ng data, pag-harvest ng data, pag-extract ng data, o anumang ibang katulad na aktibidad
  • Pagsubok na makakuha ng hindi awtorisadong access para laktawan, gambalain, sirain, o iantala ang anumang bahagi ng Mga Watch Party o anumang server, computer, o database na konektado sa Mga Watch Party.