Suporta sa New Zealand Cricket
Narito ang dapat mong gawin kung nagkakaroon ka ng mga isyu sa panonood ng live na coverage ng New Zealand Cricket sa Prime Video.
Mga Tanong at Sagot
1) Kailangan ko bang magdagdag ng bayad para makapanood ng New Zealand Cricket sa Prime Video?
Mapapanood nang live ng mga miyembro ng Prime sa India ang New Zealand Cricket sa Prime Video nang walang dagdag na bayad. Ang mga hindi miyembro ng Prime ay puwedeng bumili ng subscription sa Prime para mapanood ang New Zealand Cricket. Puwede mong kanselahin ang iyong membership anumang oras. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: https://www.amazon.in/prime
2) Anong mga match ang magiging available sa Prime Video?
Simula sa Enero 2022, ang mga miyembro ng Prime sa India ay makakapanood sa mga match ng New Zealand Cricket nang live sa Prime Video nang HD. Para sa higit pang impormasyon hinggil sa iskedyul, pumunta sa hub ng Tulong ng New Zealand Cricket dito.
3) Saan ko mahahanap ang live na coverage ng New Zealand Cricket sa Prime Video?
Pumunta sa Prime Video app sa iyong device at makikita mo ang mga live na match na ipinapakita sa ilalim ng "Live na Cricket at Mga Highlight" o pumunta sa iyong Prime Video app at hanapin ang "New Zealand Cricket".
4) Paano ko ii-install ang Prime Video sa mga device ko?
Available ang Prime Video app sa iba’t ibang telebisyon, Amazon device, mobile device, Blu-ray player, games console, at streaming media device. Buksan ang app store ng iyong device at i-install ang Prime Video app. Buksan ang Prime Video app. Irehistro ang iyong device sa pamamagitan ng pagpili sa Irehistro sa website ng Amazon. Bibigyan ka ng code na ilalagay mo sa ibinigay na website. Ipapakita ng ilang device ang opsyong Mag-sign in at Magsimulang Manood, gamit ang impormasyon ng iyong Amazon account.
5) Puwede ba akong mag-live stream ng mga match sa anumang device?
Puwede mong i-stream ang mga match na ito online sa pamamagitan ng iyong web browser, at mga TV, Blu-ray player, set-top-box, Fire tablet, at iba pang compatible na device na nakakonekta sa Internet. Para sa isang listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bumisita rito.
Puwede kang mag-stream ng hanggang tatlong video nang sabay-sabay gamit ang parehong Amazon account. Puwede mong i-stream ang parehong video nang sabay sa maximum na dalawang device.
6) Puwede ba akong manood ng New Zealand Cricket habang nagbibiyahe?
Ang mga match ng New Zealand Cricket ay available lang sa mga customer na nasa India. Hindi kwalipikado ang lahat ng iba pang international na lokasyon.
7) Paano ako makakahabol sa mga match na hindi ko napanood?
Magiging available ang mga replay ng match pagkatapos ng bawat match.
8) Nakakatanggap ako ng error sa lokasyon kapag sinusubukan kong manood?
Ang mga match ng New Zealand Cricket ay available lang sa mga customer na nasa India. Hindi kwalipikado ang lahat ng iba pang international na lokasyon. Hindi sinusuportahan ng Prime Video ang pag-stream ng content sa pamamagitan ng Virtual Private Network (VPN) o mga proxy na koneksyon. Para makapanood ng Prime Video, dapat mong i-disable ang mga serbisyong ito sa iyong device o subukan mong lumipat sa isa pang available na koneksyon. Kung sakaling hindi mo pa rin ito ma-access, makipag-ugnayan sa amin dito.
9) Naaantala ang stream ko, paano ko ito mababawasan?
Bagama’t na-optimize ang lahat ng device para makapagbigay ng maganda at malinaw na karanasan sa panonood, nag-aalok ang ilang device ng mas kaunting antala sa pagitan ng live na laro at iyong stream. Inirerekomenda naming gumamit ng Fire TV, Apple TV, iOS, o Android device.
10) Nakakaranas ako ng mga isyu sa pag-stream, ano ang magagawa ko?
Kung nagkaka-isyu ka sa panonood ng mga live stream o live na event sa Prime Video, pakitiyak na nanonood ka sa isang sinusuportahang device, at mayroon kang sapat na bilis ng pag-download. Inirerekomenda ng Prime Video ang minimum na bilis ng pag-download na 1MB/s para sa SD na content at 5MB/s para sa HD na content. Ibibigay ng Prime Video ang pinakamagandang kalidad sa karanasan sa pag-stream na posible batay sa available na bilis ng bandwidth.
Kung nakakaranas ka ng anumang isyu sa video na nanginginig/gumagalaw, inirerekomenda naming i-off mo ang setting ng Paggalaw sa iyong TV. Baka iba ang pangalan ng setting na ito depende sa manufacturer ng iyong TV. Kasama sa ilang halimbawa ng setting ng Paggalaw ang Auto Motion Plus, Tru Motion, MotionFlow, Cinemotion, at Motion Picture. Kung nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, mangyaring makipag-ugnayan sa amin dito.
11) Paano ko maa-update ang aking mga FireTV Stick app?
Puwede mong awtomatikong i-update ang mga app mo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubiling ito: 1. Pumunta sa Mga Setting, at piliin ang Mga Application. 2. Pumunta sa Appstore. 3. Itakda sa OO ang opsyon para awtomatikong ma-update ang mga application. Kung nakatakda ito sa hindi, makikita mo ang mga indibidwal na update para sa bawat icon ng app sa iyong library ng app. Para i-sync ang mga tugmang app sa iyong Amazon Fire TV device sa iyong Cloud: Pumunta sa Mga Setting > Account Ko > Sync Amazon Content.
12) Magkakaroon ba ng komentaryo ang lahat ng match?
Oo. Magkakaroon ng buong komentaryo sa bawat match ng New Zealand Cricket.
13) Puwede ba akong mag-rewind, mag-pause, at mag-fast forward sa aking device?
Available ang pag-rewind, pag-pause at pag-fast forward sa Android/iOS Mobile, Web (Chrome, Firefox, at Edge), Fire TV, Apple TV (Gen 3 at mas bago), at mga piniling Smart TV. Gamitin ang mga button sa pag-play na Panoorin mula simula sa pahina ng detalye o sa player para mapanood ang simula ng match. Pakitandaang maaaring hindi sinusuportahan ang mga feature na ito sa lahat ng device.
14) Magiging available ba ang Subtitles?
Hindi, kasalukuyang hindi available ang subtitles.
15) Nag-aalok ba kayo ng opsyong panoorin ang mga match nang walang komentaryo at may sound experience lang sa venue?
Para sa New Zealand Cricket sa Enero - Abril 2022, mag-aalok ang Prime Video ng mga match na may isang audio stream, kung saan naka-enable ang komentaryo bilang default.
16) Puwede ba akong manood ng mga Match ng New Zealand Cricket sa TV?
Ang New Zealand Cricket ay eksklusibong available sa Prime Video. Bilang subscriber ng Prime Video sa India, puwede mong ma-access ang Prime Video sa iyong smart phone, laptop, mga nakakonektang TV at iba pang mga device. Para sa isang listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bumisita rito.
17) Kailan ko mapapanood ang mga team India tour ng New Zealand?
Ang Indian Women's Team ay magtu-tour sa New Zealand sa Pebrero 2022 at ang Indian Men's team ay matu-tour sa New Zealand sa Nobyembre November 2022.
18) Anong iba pang impormasyon ang available?
Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang aming mga pahina ng tulong o makipag-ugnayan sa amin para sa anumang karagdagang tulong.